E-FOLIO of ChE 1307
).png)
"La Espajo"
“𝙺𝚊𝚋𝚊𝚝𝚊𝚊𝚗 𝚊𝚗𝚐 𝚙𝚊𝚐-𝚊𝚜𝚊 𝚗𝚐 𝚋𝚊𝚢𝚊𝚗.”
Ito ang isa sa mga kasabihang iniwan ng ating bayaning si Jose Rizal at siyang pumukaw sa ating damdamin sa paniniwalang tayo ay mag-aasam ng pagbabago sa lipunan. Si Rizal ay patuloy na nagsisilbing inspirasyon sa kasalukuyan, ngunit higit pa rito ay naging simbolo siya ng kalayaan para sa nakararami.
Gayunpaman, hindi lamang dapat dito nagtatapos; hindi lamang dapat maging isang pigura na tinitingala ang isang bayani sapagkat gaya ng sinabi ni Ginoong Howie Severino - “be like Rizal, be enlightened”. Sa panahon ngayon na laganap ang mga balitang mapanlinlang na nagdudulot ng panliligaw sa ating mga kababayan, may magagawa tayo bilang mga kabataan, at iyon ay ang isabuhay ang mga prinsipyo ni Gat. Jose Rizal.
Kalakip ng temang “Ako si Rizal, si Rizal ay Ako,” inihahandog ng ChE-1307 ang isang “literary e-folio” na pinamagatang “La Espejo,” isang Espanyol na salita na nagangahulugang "salamin". Naglalaman ito ng iba’t ibang literatura na naglalahad kung paano sinasalamin ng bawat isa sa atin ang mga katangian ng ating pambansang bayani.
"PANIMULANG PATALASTAS"
Ako si Rizal, si Rizal ay ako
Tayong kabataan ang sumasalamin sa tagumpay ng ating magiting na si Dr. Jose P. Rizal
